20 Abril 2025 - 14:45
Ang IRGC Navy ay nagpapahiwatig sa paglalahad ng mga advanced na sasakyang pandagat na mahigit pa kaysa mga modelong Amerikano

Ang IRGC ay maaaring mag-palabas ng bagong sasakyang-pandagat, na kung saan inilarawan ni Islamikang Rebolusyonaryong Guard Corps (IRGC), Navy Commander Rear Admiral, na si Alireza Tangsiri bilang "mas mahusay kaysa sa katulad na mga modelong Amerikano."

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :-  Ang IRGC ay maaaring mag-palabas ng bagong sasakyang-pandagat, na kung saan inilarawan ni Islamikang Rebolusyonaryong Guard Corps (IRGC), Navy Commander Rear Admiral, na si Alireza Tangsiri bilang "mas mahusay kaysa sa katulad na mga modelong Amerikano."

Ang IRGC ay maaaring mag-papalabas ng bagong sasakyang pandagat, na kung saan inilarawan ng Islamikang Rebolusyonaryong Guard Corps (IRGC) Navy Commander Rear Admiral, na si Alireza Tangsiri bilang "mas mahusay pa daw ito kaysa sa katulad na mga modelong ipinalabas at ginawa ng mga Amerikano."

Sa pagsasalita sa isang programa sa IRIB TV, ipinaliwanag ni Islamikong Rebolusyonaryong Guard Corps (IRGC) Navy Commander Rear Admiral, na si Alireza Tangsiri ang mga tagumpay ng mga militar ng IRGC Navy sa mga nakaraang taon.

Ang IRGC Navy ay gumawa ng iba't ibang uri ng mga missiles, drones, at submarines, at ang Ministry ng Depensa at sa Suporta ng Hukbong Sandatahang Lakas ng bansa ay gumawa din ng mas magagandang submarine, sinabi ni Tangsiri.

Sa pagtukoy sa pagtatayo ng IRIS Shahid Bagheri drone carrier, sinabi ni Admiral Tangsiri, "Ang Shahid Bagheri vessel ay isang multi-purpose vessel at isang naval base; ang sasakyang ito ay maaaring magdala ng dalawang missile launcher group, na naglalaman ito ng 14 missile launcher vessels."

"Nagtayo din kami ng isang sasakyang pandagat na mas mahusay pa kaysa sa mga katulad na modelo ginawa ng mga Amerikano, at kung kinakailangan, maaari naming ipapakita ito," sabi ng kumander ng IRGC Navy, habang nagsasalita tungkol sa mga bagong sasakyang-pandagat ng puwersang bansa.

Nang tanungin siya tungkol sa paghaharap ng Iran at US sa karagatan ng Persian Gulf, sinabi niya, "Ngayon, hindi maaaring salakayin ng Estados Unidos ang ating mga tanker ng langis, at kung mangyayari ito, haharapin natin sila ng pinaka-matinding matatatnggap ng mga kalaban."

"Ngunit, hindi nila tayo kayang harapin ng mga Amerikano sa Persian Gulf dahil kayang-kaya natin silang kontrahin at harapin ng seryosong sagupaan," base sa kanyang karagdagang pananalita.

……………

Your Comment

You are replying to: .
captcha